Hanapan ang Blog na Ito

Huwebes, Agosto 26, 2010

Luneta!

First time ko pumunta ng Luneta. Ang saya! Ramdam na ramdam ko ang pagiging turista sa sarili kong bansa. Madali lang pala pumunta dun. Pwede ka mag LRT, jeep o kaya taxi.

Dati ang tingin ko sa Luneta Park...madumi, lugar ng mga magkakasintahan na tumatambay hanggang gabi, pinamumugaran ng snatcher, tambayan ng adik at ng mga gusto makipagkaibigan... Pero iba na ang tingin ko ngayon...

Mga isla ng Pilipinas. Sa susunod, sasakay ako ng helicopter para lang makuhanan ito ng larawan mula sa himpapawid.










Ayan ang nasa babang dulo. Maka-punta nga dyan.











Department of Tourism

Ang linis noh.

Gandang ganda talaga ako sa gusaling to.








O di ba! Malinis!












Iba pang larawan...













Matipuno = sexy!





















Di lang mga tao may karapatang mamasyal....


















Orchidarium...

Sarado nung araw na yun. Sayang!












CHOO CHOO!!!!

Sa halagang P50, maaari ka nang makasakay sa tren ng Luneta Park. =)










Under renovation?













Ganito sana kalinis ang buong bansa...




























Panatilihin nating ganito kaganda ang Luneta Park.
Tunay itong maipagmamalaki.

WOW Philippines!!!!

Lunes, Agosto 23, 2010

Manila Zoo

Lampas dalawang dekada na mula nung una kong nasilayan ang sinasabi nilang Manila Zoo. Sa tinagal, wala na ako masyadong naaalala sa mga naging karanasan ko noon. Kaunting larawan na lamang ng masasayang yugto ang kaya kong alalahanin. Ang giraffe na sa liit ko noon ay nagmumukha talaga itong higanteng may mahabang leeg. Sinubukan ko nga itong pakainin ng halaman, pero sa takot ko ay binitiwan ko na lang ito. May naaalala din akong mga bangka na pinaparentahan. Hindi ko nga lang ito nasubukan dahil sa takot ng ama ko na baka raw kami tumaob. Ito na lamang ang medyo malinaw na alaalang mayroon ako. Kaya sa aking muling pagdalaw sa nasabing zoo ay pinamugaran ako ng labis na tuwa at pagkasabik.
Mula Valenzuela, nagdesisyon ako, kasama ang aking kaibigan, na sumakay na lamang ng taxi dahil hindi namin alam kung paano makakarating sa Manila Zoo na sakay ng dyip o kaya ng LRT. Lampas isang oras din bago kami dumating sa zoo para malaman din na nilibot muna kami ng mamang drayber ng taxi sa kahabaan ng Edsa para pataasin ang metro ng sasakyan nya. Tsk, tsk, tsk!!!! Naku! Buhay nga naman. Isang malaking leksyon!

Madaming tao sa entrance ng zoo. Bata, matanda, bagong panganak, matagal nang ipinanganak, Pilipino, banyaga, mukhang banyaga, nakangiti, sinubkloban ng langit, maporma, matipid sa damit, mainit kung manamit, at napakarami pang iba. Sila ang sumalubong sa amin. P40 ang bayad ng matatanda, hindi ko na inalam yung para sa mga bata. Pero may sukat pa raw sa taas na sinusunod yung para sa mga bata. Kung gaano man kataas yun, hindi ko na rin inalam. Sa pagpasok sa zoo, unang mapapansin ang mga souvenir shops na pinamumugaran ng madaming tao. Patok dito ang mga hugis matsing na pwedeng ikabit sa leeg na parang kwintas. Iba't ibang kulay ng matsing. May pink.

Ito ang unang hayop na nakita ko sa zoo. Sayang nga lang at hindi ko nakuha yung scientific at common name nila. Magandang mga uri ng ibon. Halos lahat ay mahilig sa ganyang pose. Kung para sa kamera yan, salamat talaga.








Ito ang nag-iisang elepanteng nakita ko sa zoo. Malinis ang kanyang lugar. Ngunit may kaliitan para sa kanyang malaking katawan. Madaling libutin ito at madaling pasukin ng kahit sinong panauhin ng zoo.
Mag-isa siya...maliit na kulungan para sa malaking katawan...bukas na bukas para sa madla...masaya kaya itong elepanteng ito?





Ang pagong. Baw!
Maliit na pagong sa ibabaw ng malaking pagong. Ano kaya't nasa ibabaw ito? Nahirapan kaya ito sa pag-akyat pataas? Ano kaya ang pakiramdam ng malaking pagong sa baba? Hmmmm....







Isa lamang ito sa maraming ahas na mayroon sa zoo. Nag-iisa lamang ito sa kulungan. Pinakamaliksi at lumalapit sa salaming malapit sa mga tao. Thank you Lord sa salamin!!!








Ito ang mga larawan ng iba pang mga hayop sa isang banda ng zoo.


























Nakakatuwang tingnan ang mga pagong na ito. Nakahilera sila. Mukhang naglalaro ng "Langit Lupa". Sino kaya ang taya?
Kulang sa taas ang bakod ng kulungan ng mga pagong na ito. Habang kinukuha ang larawan na ito, may muntik nang makapasok na bata para lapitan ang mga pagong. Hindi man lamang binantayan ng ama ang bata. Hinayaan lang nito na umupo ang mga bata sa bakod ng kulungan. Tsk...tsk...tsk!



Malaking lugar. Ngunit, anong hayop nga ba ang andito?











Ayun!












Iba pang larawan...














Ang larawang ito ang pumukaw sa akin sa araw na iyon. Kung magaling man umarte ang unggoy na ito ay wala akong pakialam. Tingin ko lamang ay hindi siya masaya sa kanyang kalagayan. Iba ang kanyang sinisigaw. Hindi aliw ang dulot ng imaheng ito para sa akin. Sana nakasama sa larawan ang ginagawang pang iistorbo ng ilang tao sa mga unggoy na ito. Pinupukpok ng isang lalaki ang kulungan gamit ang kanyang mahabang payong para makuha ang atensyon ng mga hayop na ito. Walang sumisita. Takot ang dala nito sa mga unggoy sa kulungan. Ano kaya ang pakiramdam ng nakakulong? Kung ikaw kaya ang nakakulong at unggoy ang nananakot sayo? Masaya yun, di ba?

Mga larawan ng tubig...bangka...ang linis noh? mabango...














Freedom wall ba ito? Attendance ata.
Ito ang makikita sa ilalim ng tulay. Ang galing noh. Talagang nagdadala sila ng pintura at mahusay na panulat para dito.






















Ang islang ito ay pinamumugaran ng mga ibong ito kasama ang mga batong buwaya. Ito lang ata ang pagkakataon na nakita kong matiwasay na magkasama ang dalawang klase ng hayop na ito.



































Magandang parte ito ng zoo. Dito, pwede maglagay ng banig o kaya telang mauupuan. Pwede dito mag picnic. Panatilihin lamang sana itong malinis. May mga basurahan naman sa malalapit. Konting sipag lang ang kailangan para maitapon ng sariling kalat.







Mga larawan ng pagod na pagod na ahas.
P100 para isang larawan kasama ang ahas. Sa isang araw, ilang beses kaya ito sumasama sa pichuran. Ang mga handlers ba nito ay totoong trained? beterenaryo? Di ba ito mapanganib sa mga tao? sa ahas? Ano ba ang epekto sa isang ahas kapag ito'y pinagpapasa-pasahan? pinipisil-pisil?














Manila Zoo. Napapaisip ako kung babalik pa ako. Bakit naging ganito na ang zoo na ito. Minsan, naging isa ito sa pinaka asam-asam na lugar sa Maynila. Sa isang bata, ito ay paraisong masarap puntahan. Noon ata yun.

Sabi ng isang ale..."di na maganda dito noh? gobyerno kc. public."...

Hindi sana porque gobyerno ang nagpapalakad nito ay ganito ang mangyayari. Hindi porque gobyerno may-ari, hindi kalidad. Teka nga muna...tayo yung gobyernong yun di ba?

Hindi ba pwedeng mapa public o private man ang isang lugar o bagay, ay mataas na kalidad pa din ang maaasahan natin. Mananatili na lamang ba tayo sa paniniwalang pag public = pangit! baduy! corny!; private = maganda! astig! sosyal!

Sayang ang Manila Zoo. Kawawang mga hayop. Pakawalan na lang kaya sila at ibalik sa mga dapat na kinalalagyan nila. Kung hindi lamang din naman maayos ang kalagayan nila dito, ano pa ang saysay ng zoo? Nilagay ba sila sa lugar na ito para masilayan lamang ng mga tao? Hindi ba maaaring ilagay sila dito para masilayan ng mga tao at para maalagaan? Pichuran na lang nila isa-isa at gawing poster, ipaskel sa mga dingding at ipakita sa mga tao. Mas maigi pa ata iyon.

Kaya, ayun. Umalis ako sa zoo. Kasama ng aking kaibigan, pinagnilay-nilayan namin ang aming mga nasaksihan. Isang malungkot na tingin ang ibinato namin sa zoo. Sa pag-alis namin, marami kaming nakasalubong na papasok pa lamang sa paraiso. Kitang kita ang saya sa kanilang mga mukha. Sana masaya pa din sila hanggang sa kanilang pag-uwi.

At sa pagkakataong iyon....nag dyip na kami pauwi.
-------------------------------------------------------------------------------------------------
ZOO
-
is a facility in which animals are confined within enclosures, displayed to the public, and in which they may also be bred

- Zoo animals usually live in enclosures that attempt to REPLICATE THEIR NATURAL HABITATS
, for the benefit of the animals and the visitors. They may have special buildings for nocturnal animals, with dim white or red lighting used during the day, so the animals will be active when visitors are there, and brighter lights at night to help them sleep. Special climate conditions are created for animals living in radical environments, such as penguins. Special enclosures for birds, insects, reptiles, fishes and other aquatic life forms have also been developed. Some zoos have walk-through exhibits where visitors enter enclosures of non-aggressive species, such as birds, lizards, and turtles. Visitors are asked to keep to paths and avoid showing or eating foods that the animals might snatch.

- from an internet source
-------------------------------------------------------------------------------------------------